UMAWIT NG PAPURI
Ipalakpak ninyo ang inyong kamay
Umawit sa Diyos ng may tagumpay
Sapagkat tunay Syang kahanga-hanga
Dakilang Hari ng buong bansa

Umawit ng Papuri sa Diyos
Umawit ng Papuri sa Diyos
Umawit ng Papuri sa Diyos na Hari
Diyos na Hari ng mga bansa


USANG UHAW SA BATIS (As The Deer)

Tulad ng usang uhaw sa batis
Ang aking kaluluwa
Ikaw lamang ang hangad ng Puso
At aking sinasamba

Ikaw lamang ang kalakasan
Ikaw rin ang aking sanggalang
Tunay na hangarin ng Puso
Ang ikaw ay sambahin